GMA Logo Derek Ramsay, Ellen Adarna, Elias
Celebrity Life

Derek Ramsay, 'icing on the cake' kung magka-baby sila ni Ellen Adarna

By Kristian Eric Javier
Published September 3, 2024 7:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senate Special Session | GMA News
Man flashes private part to 2 women in public in Iloilo
Lani Misalucha celebrates timeless artistry with this jewelry brand

Article Inside Page


Showbiz News

Derek Ramsay, Ellen Adarna, Elias


Masaya ngayon sina Derek Ramsay at Ellen Adarna kahit wala pa silang sariling baby.

Masaya ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, kasama ang anak ng aktres na si Elias, sa buhay na meron sila ngayon. Kaya naman para sa aktor, “icing on the cake” na ang mabiyayaan sila ng kaniyang asawa ng isang anak.

Sa entertainment YouTube channel na Morly Alinio (Ito ang Tondo), nilinaw ni Derek na hindi pa muling buntis ang asawa niyang si Ellen. Ito ay matapos magkaroon ng mga haka-haka ang netizens at fans tungkol sa pagdadalang-tao ng dating aktres dahil sa cryptic exchange nilang mag-asawa.

Sa ngayon ay sobrang masaya lang ang buhay ni Derek at ni Ellen. Aniya, “'Yung families naming mag-asawa, magkasundo, naghahanap nga ako ng problema kasi sobrang my life is really, really good, I'm at peace, there's no more stress.”

“Basta 'pag binless na kami ng baby girl or baby boy, ready na'ko, 'yun lang ang kulang sa buhay ko,” sabi niya.

Ngunit paglilinaw ni Derek ay kahit wala silang sariling anak ni Ellen ay masaya na siya dahil meron na siyang stepson kay Elias at may perfect wife kay Ellen.

“Hindi ako selfish e, maganda 'yung buhay ko pero kung i-bless ako niyan, talagang 'yun na lang 'yung wish ko. Parang kumbaga, icing on the cake na sa'kin 'yun. Talagang maging sobrang masaya ako, alam kong maging sobrang masaya ang nanay ko,” sabi ng aktor.

Matagal nang pinagdarasal ng kaniyang nanay ang magkaroon sila ni Ellen ng sarili nilang baby. Kuwento pa ni Derek ay dumadayo pa ang kaniyang nanay sa Manaoag para ipagdasal ito.

“We're very private people. Siguro ilang taon ng buhay namin binigay namin to the public and everything. So for me and Ellen, tahimik lang kami, we're just living our lives, enjoying what we worked so hard for, enjoying our company, enjoying our love for each other and enjoying the blessings given to us now,” sabi ni Derek.

Matatandaan na noong December 2023, inanunsyo ni Derek na nagkaroon ng miscarriage si Ellen matapos malaman na buntis ito. Dahil dito ay napagdesisyunan ng aktor na muling lumayo muna sa showbiz para mapagtuunan ng pansin ang pagbuo nila ng pamilya.

TINGNAN ANG BLISSFUL MARRIED LIFE NINA DEREK AT ELLEN SA GALLERY NA ITO: