What's Hot

Derek Ramsay, ipinakita ang kanyang 'kabit' sa bagong vlog

By Marah Ruiz
Published March 19, 2020 11:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cha Eun Woo issues apology over tax evasion allegations
3 fires in Bacolod City struck over 40 houses
'Die Beautiful The Musical' opens registration for auditions

Article Inside Page


Showbiz News

Derek Ramsay kabit


"Ito ang aking kabit... kapag wala si Andrea [Torres]," pahayag ni Derek Ramsay.

Ipinakita ni Kapuso actor and athlete Derek Ramsay ang kanyang 'kabit' sa isang bagong vlog na ibinahagi niya sa channel nila ng nobyang si Andrea Torres na Andrek Vlogs.

Gumawa kasi si Derek ng feature tungkol sa siyam na bagay na lubos na mahalaga sa kanya.

Ipinakita niya rito ang ilang mahahalagang bagay tulad ng rosaryo na matagal na niyang pag-aari, pati na ang paborito niyang golf club.

Pero agaw pansin sa lahat ang kanyang 'kabit.'

"Ito ang aking kabit. You might be wondering what this is. Kapag wala si Andrea, ito ang aking baby," pahayag ni Derek habang ipinapakita ang isang bagay na mukhang mahabang unan.

"This is an athlete pole. It's from Japan. Basically what you do is, you lay it on the floor. Hihigaan mo siya for five minutes every day and it takes care of your spine. It aligns your spine. It strengthens your core. You roll it from side to side. It works your obliques to keep your spine in that proper position," paliwanag niya.

Malaki na raw ang naitulong nito sa kanya, lalo na at very active ang kanyang lifestyle.

"Since I've had this, the pain in my back has minimized tremendously so mahal ko siya," aniya.

Panoorin ang iba pang bagay na mahalaga para kay Derek:


Kamakailan, naglabas ng vlog sina Derek at Andrea kung saan sumalang sila sa lie detector test habang sinasagot ang ilang mga tanong tungkol sa kanilang relasyon.