
Hindi nagpahuli sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa kanilang planong magbakasyon ngayong summer.
Sa report ni Nelson Canlas noong Miyerkules, April 15, ibinahagi ni Derrick na balak niyang magbakasyon kasama si Elle ngayong tag-init sa kabila ng kanilang busy schedules.
“Pupunta na lang siguro ng beach, ganyan. Three nights, four-day trip, okay na 'yung ganon. Sa malapit na lang. 'Yung hindi magastos,” sabi ng aktor.
Kamakailan lamang, nagtungo rin sina Derrick at Elle sa Tokyo, Japan para sa kanilang dream trip.
Bukod sa pagiging abala sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo, magbabalik-entablado rin si Derrick bilang Ibarra sa musical ni Jomar Fleras na “Ibarra… Ngayon.”
Abangan sila sa mga tumitinding eksena sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang buong panayam dito:
Tingnan dito ang Japan trip nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva: