GMA Logo elle villanueva and derrick monasterio
PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)
What's on TV

Derrick Monasterio, Elle Villanueva talk about their first impression about each other

By Dianne Mariano
Published July 31, 2022 7:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

elle villanueva and derrick monasterio


Ano kaya ang first impression nina 'Return To Paradise' stars Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa isa't isa?

Malapit nang mapanood ang unang pagtatambal nina Sparkle stars Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa upcoming Kapuso drama series na Return To Paradise.

BIbigyang-buhay ni Derrick ang role bilang si Red Ramos, ang rich kid at campus heartthrob, habang gaganap naman si Elle bilang Eden Santa Maria, ang babaeng bibihag sa puso ni Red.

Ito rin ang unang pagkakataon na makakatrabaho nina Elle at Derrick ang isa't isa sa isang teleserye.

Sa ginanap na online media conference ng Return To Paradise, ibinahagi ng dalawang Kapuso stars ang kanilang naging first impression sa isa't isa.

Kuwento ni Elle, “Parang it's easy for him to get whatever he wants tapos parang akala ko shallow type siya. Naging honest naman ako sa kanya kasi may workshop kami na sasabihin namin kung ano 'yung first impression namin sa isa't isa and that's what I said.”

Nang makilala naman ng aktres si Derrick sa isla para sa taping ng kanilang teleserye, “sobrang opposite” raw ang personalidad ng hunk actor.

Aniya, “Sobrang opposite lang ng personality lang n'ya na, surprisingly, may gano'ng side pala siya na hunk siya tapos humble tapos mahilig siya sa Disney songs. Sobrang jolly lang talaga niyang tao. Akala ko mayabang siya, akala ko mag-aangas siya do'n pero hindi. Napakabait ni Derrick.”

Para naman kay Derrick, hindi naging mahirap para sa kanya na mapagkatiwalaan si Elle dahil din sa tiwala na binibigay nito sa kanya.

Pagbabahagi niya, “With Elle kasi, it's really not hard for me to trust her kasi grabe rin siya magbigay, e. Grabe rin 'yung tiwalang binibigay niya sa akin, nafe-feel ko 'yun sa… Meron kaming exercises na kailangan namin i-feel 'yung isa't isa, kailangan namin mag-physical touch. And through her touch, nafe-feel ko 'yung tiwala niya sa akin.”

Patuloy ng aktor, “I guess, workshops pa lang parang medyo natututo na akong mahalin 'tong taong 'to in a way, not romantically, pero alam mo 'yon, mahalin siya as a person. Kung ano 'yung personality niya, kung ano 'yung flaw niya. So pagdating namin sa island, wala, easy na sa amin. Nagme-memorize na lang kami ng lines, easy na sa amin 'yung connection."

Mapapanood na ang world premiere ng Return To Paradise ngayong August 1 sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG LOCK-IN TAPING NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.