
Aminado si Kapuso actor at former Apoy sa Dugo star Derrick Monasterio na isa sa mga pinaka-challenging role niya ang pagganap sa karakter ni Crisostomo Ibarra para sa play na Ibarra…Ngayon.
Sa Instagram, nag-post si Derrick ng ilang litrato niya bilang si Crisostomo Ibarra, kabilang na ang ilang eksena niya.
Caption ng aktor sa kanyang post, “Most challenging role to date. But I'm fortunate enough to be surrounded by the best production staff, actors, directors, and teachers. You all welcomed me open-heartedly. Your excellence pushed me to be better. You treated me like family. You gave me confidence every time I have doubts.”
KILALANIN ANG IBA PANG KAPUSO STARS NA NAGING BAHAGI NA RIN NG TEATRO SA GALLERY NA ITO:
Pinasalamatan din niya ang direktor ng play na si Frannie Zamora para umano sa pagpansin nito ng kanyang talento, at sa pagbibigay sa kanya ng kalayaang i-explore ang kanyang karakter.
“Thank you for being real and honest as well. Grabe, tiwala sa akin ni Direk. As per him, nakita lang daw niya yung mga IG posts ko na kumakanta. Ngayon, ginagawa na natin 'to,” sabi ni Derrick.
Tinukoy rin ni Derrick ang talent at passion ng writer ng play na si Jomar Fleras at kung paano nito binigyan-diin ang pagmamahal ni Crisostomo sa bansa. Para kasi sa aktor, tila may koneksyon ito sa nangyayari sa bansa ngayon.
Patungkol naman sa musical director nilang si Jed Blasamo, sabi ni Derrick, “Sir Jed, your music is just Immaculate. As actors, you made acting so much easier with your beautiful and painful melodies. As a baritone, ang hirap talaga eh.”
Pinuro din ni Derrick ang galing ng kanyang co-actors sa naturang play. Sa huli, ibinahagi ng aktor na magbabalik sila ng July hanggang August.
Sa comments section, ipinahayag naman ng kanyang girlfriend at kapwa aktor na si Elle Villanueva kung gaano siya ka-proud kay Derrick.
Sagot ng aktor, “I love you baby! Thanks for watching all three shows”