
Sa panahon ngayon na lahat halos ay virtual na, marami ang nahuhumaling sa mga apps at social media sites na may kinalaman sa online dating.
May ilan na nakakahanap ng kanilang forever online, pero ang iba naman mabibiktima ng iba't ibang uri ng pagpapanggap. Isa na rito ang catfishing o ang paggamit ng isang tao ng identity at larawan ng iba para manlinlang ng kapwa.
Tungkol diyan ang episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 28, na pinamagatang “Pagpapanggap.”
Tampok dito ang Kapuso stars na sina Derrick Monasterio, Kiray Celis, at Faye Lorenzo.
Kasama rin ang beteranang aktres na si Lovely Rivero, ang trending drag queen na si Katkat Dasalla, pati ang actor na si Bryan Benedict at si Miss Manila 2020 Alexandra Abdon.
Si Kapuso hunk actor Derrick Monasterio at sina Bryan Benedict at Kiray sa bagong 'Wish Ko Lang' / Source: Wish Ko Lang
Sa istoryang ng “Pagpapanggap”episode, magkakakilala online ang karakter nina Derrick at Kiray na si Aries at Charie.
Magkakamabutihan ang dalawa online hanggang sa magkakasundo silang magtagpo kinalaunan.
Ngunit may isang malaking problema: iba ang ginamit na larawan ni Charie sa kanyang profile.
Ang buong akala ni Aries ay si Britney, na gagampanan ni Faye Lorenzo, ang kanyang kikitain.
Sina Derrick Monasterio at Faye Lorenzo sa “Pagpapanggap” episode / Source: Wish Ko Lang
Dahil dito, sasabog sa galit ang binata at madidiskubre ni Charie na halimaw pala ang lalaking kanyang nakilala online.
Abangan kung saan hahantong ang kuwentong ito ng pagpapanggap sa bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 28, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: