
Hindi inakala ni Derrick Monasterio na may makaka-close siya agad na actress sa set ng Dragon Lady, kung saan gaganap siya bilang Charles, isang Chinese.
Kuwento ni Derrick, madalas niyang maka-bonding sa set ang beauty queen-turned-actress na si Carlene Aguilar.
“Si Miss Carlene Aguilar, hindi ko pa siya actually talagang kilala pero siya 'yung mom ko doon so siya 'yung laging ka-eksena ko.”
“Makulit din pala, parang bata rin kasi siya. Bumabanat din, jumu-joke rin.
“Ang kulit din talaga. Minsan siya pa 'yung mas maingay sa akin. Masaya lang.”
Mapapanood si Derrick sa Dragon Lady mula ngayong March 4 sa GMA Afternoon Prime.
Edgar Allan Guzman, makaka-love triangle nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez sa 'Dragon Lady'
Janine Gutierrez, dream role ang 'Dragon Lady?'