
Sumabak na muli ang cast ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa taping, matapos itong mahinto nang mahigit limang buwan sanhi ng COVID-19 community quarantine.
Kahapon, September 1, sinimulan ang kanilang 12-day closed group shoot para sa Kapuso series.
Ibinahagi ng DOTS Ph stars na sina Jasmine Curtis-Smith, Prince Clemente, at Lucho Ayala sa kani-kanilang Instagram Story ang location ng kanilang taping.
Makikita rito na sa isang liblib at mapunong lugar sila nananatili.
Bahagi pa ni Prince, handa na siya mag-report for duty.
"Wolf is back," ika ni Rocco.
Sumasailalim ang cast, staff, at crew ng DOTS Ph sa 12-day closed group shoot nang sa gayon ay malimitahan ang contact activities bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.
Ayon sa panayam ng GMANetwork.com sa bida ng serye na si Dingdong Dantes, pagkatapos ng labindalawang araw ay sasailailim din sila sa five-day self-quarantine at swab testing bago sila makauwi sa kani-kanilang pamilya para matiyak na wala silang madadalang sakit sa kani-kanilang tahanan.
Bagamat may ilang pagbabago sa produksyon, sinisigurado naman ni Dingdong na hindi nito maaapektuhan ang kanilang pagde-deliver ng magandang kuwento ng Descendants of the Sun.
Nakatakdang ipalabas muli ang serye sa telebisyon bago matapos ang taon.