
Mukhang perfect match talaga sina Desiree del Valle at Boom Labrusca.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, December 17, pinag-usapan ang relasyon ni Desiree sa kanyang asawa na si Boom.
Ikinuwento ng Mga Batang Riles star na parang mag-bestfriend lamang sila ng kanyang asawa.
Paliwanag ng aktres, "From the very beginning, we laid out everything. So, kung may problema tayo, mag-usap tayo."
"Never kami nag-away. Can you believe it?" pag-amin ni Desiree kay Tito Boy na namangha sa tibay ng kanilang relasyon.
Sabi ni Desiree na mas naging matibay sila dahil iba na ang kanilang priority ngayon.
"Siyempre ang priority namin is hindi na 'I.' It is us. It is we. So, whatever you do, whatever move you make, you think about the other person," ibinahagi ng aktres.
Binalikan din ni Desiree ang kanilang vows noong sila ay kinasal. Sinabi ni Boom sa kanya na simula noong naging sila, ang turing na nito sa kanya ay asawa niya.
Inamin ni Desiree na mas malambing at vocal ang kanyang asawa. Kaya naman napasabi si Desiree na, "This is it. This is the man of my dreams."
Naiyak naman bigla ang aktres nang biglang ipinakita ang kanilang mga litrato sa screen. Sabi ng aktres kay Tito Boy, "Naalala ko lang kasi ang bait ng asawa ko. Sobra. I am lucky."
Nagsimula ang relasyon ng dalawa noong 2012. Ikinasal naman sina Desiree at Boom noong 2018.
Taong 2021 nang biyayaan sila ng anak na lalaki na si Alexander Sebastian.
Balikan ang interview ni Desiree del Valle sa Fast Talk With Boy Abunda sa gallery na ito: