
Hindi napigilan ng dalawang Bubble Gang veterans na sina Diego Llorico at Mykah Flores na maging emosyonal nang mapag-usapan ang pagiging miyembro nila ng longest-running gag show ng GMA Network.
Sa panel interview ng cast para sa 24th anniversary presentation ng gag show nitong Lunes, November 4, ikinuwento ni Diego kung paano siya napasok mula sa pagiging production assistant hanggang sa maging cast member.
Kuwento ng comedian, “Kaya ako [naging part ng Bubble Gang] kasi mayroong isang sketch dun, di ba, nung staff na ako, may isang sketch dun na paranng nahirapan yata sila 'yung gay lingo.
“Hindi maintidihan nila, malalim, ako lang 'yung nakakasalita ng tama. Ayun, doon nag-umpisa.”
Dagdag pa niya, sa Bubble Gang na umiikot ang buhay niya, na mahigit sa dalawang dekada na niyang ginagawa.
“Siyempre, masaya ito, bale 'yung buhay ko na. Bale magtu-25 years na ako sa Bubble Gang. Mula umpisa, so dito na umikot 'yung mundo ko kasama si Bitoy.”
Pumatak na ang luha ni Diego nang sabihIn niyang biggest fulfillment niya sa buhay ang pagiging bahagi ng Bubble Gang.
“Ito 'yung pinakamalaking fulfillment sa buhay ko, Bubble Gang, siyempre, matagal na, e.”
Diin pa niya, “This is my family.”
Samantala, emosyonal din si Mykha Flores nang magpasalamat sa creative director nila sa show na si Michael V., na sinasabi niyang utang niya dito ang pagiging part ng award-winning gag show.
“Sa pagtiya-tiyaga nila sa akin, si Kuya Bitoy, maraming-maraming salamat po kasi sa 24 years ko, sa tulong po ng mga kasama ko sa Bubble, nagtagal po ako ng 24 years dahil kay Kuya Bitoy, thank you po.”
Don't miss Bubble Gang's two-part anniversary special "The ScAvengers" on November 15 and 22 after One of the Baes on GMA Telebabad.
LOOK: Michael V., mag-a-ala Thanos sa 'Bubble Gang'