GMA Logo Dina Bonnevie
What's on TV

Dina Bonnevie, pinaghahampas ng payong at tinutukan ng baril dahil sa kanyang kontrabida role noon?

By EJ Chua
Published March 30, 2023 3:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Dina Bonnevie


Dina Bonnevie, inalala ang ilang matinding karanasan nang dahil sa kanyang kontrabida role.

Kasalukuyang napapanood ang veteran actress na si Dina Bonnevie sa top-rating inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ginagampanan niya rito ang karakter ni Giselle Tanyag, ang bagong CEO ng APEX Medical Hospital na kapatid ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap).

Para sa maraming manonood ng serye, isa rin ang karakter ni Dina sa mga kontrabida sa buhay ng batang doktor na si Analyn (Jillian Ward).

Ngunit sa isang panayam, ibinahagi ni Dina na mabait naman daw si Giselle at talagang istrikta lang ang kanyang karakter pagdating sa trabaho at mga ginagawa ng mga tao sa kanyang paligid.

Bukod sa kanyang paliwanag, binalikan ng aktres ang ilang matitinding karanasan niya noong gumanap siya bilang kontrabida sa mga dating teleserye.

Kuwento ni Dina, “Hinampas na ko ng isang lola… pinagpapalo niya ako ng payong and kinawit-kawit niya ako nung handle ng payong kasi nga noong time na 'yun kontrabida ako sa isang soap na bata ang inaapi ko. Sabi ko, Lola role lang po 'yun. Sabi, hindi masama ang ugali mo, pinapatulan mo 'yung bata. Pinagpapalo niya ako.

Bukod pa rito, minsan na rin daw siyang tinutukan ng baril ng isang lalaki dahil sa kanyang karakter bilang kontrabida.

Pagbabahagi niya, “Sabi ko, bakit tinututukan mo ako ng baril… Kasi raw pinapatulan ko 'yung bata… Role lang 'yun, mapapatay pa ako dahil sa role ko.”

Binanggit din ng aktres na ang pagiging kontrabida raw ay isang challenge para sa katulad niyang mga aktor.

Samantala, patuloy na subaybayan ang kanyang karakter sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG AGELESS BEAUTY NI DINA BONNEVIE SA GALLERY SA IBABA: