GMA Logo Dina Bonnevie Jillian Ward
What's on TV

Dina Bonnevie shares some acting tips and advice to 'Abot-Kamay Na Pangarap' star Jillian Ward

By EJ Chua
Published April 5, 2023 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Dina Bonnevie Jillian Ward


Dina Bonnevie kay Jillian Ward: “I just imagine a pair of shoes, the minute I put on the shoes of Giselle, ako na si Giselle…”

Patuloy na nakatutok ang mga manonood sa GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Bukod sa sinusubaybayan nila ang kwento ng mag-inang Lyneth at Analyn na ginagampanan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward, nakaabang din sila sa mga eksena ni Dina Bonnevie bilang si Madam Giselle.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa veteran actress na si Dina, ibinahagi niyang humingi raw sa kanya ng advice ang isa sa lead stars ng serye na si Jillian tungkol sa pag-arte.

Pagbabahagi ni Dina, “Tinanong ako ni Jillian, 'Miss D, ano po ang maibabahagi ninyo sa aking advice sa showbiz?' Sabi ko, 'simple lang… You have to love your work. Kasi, if you love your work, hindi ka mapipilitang magme-memorize ng script, 'yung lines mo bago ka pumunta sa set…

"'Dapat kasi bago ka dumating alam mo kung saan nanggaling ang eksenang ito… Hindi 'yung Direk, ano'ng pinanggalingan nito? Ah, paki kwento nga, for me that's unprofessional. You have to know kung anong pinanggalingan ng eksena at saan papunta. Oh, itong part na ito dapat naiiyak na ako… You have to know kung ano ang character mo.'”

Isang bagay pa raw na ibinahagi niya kay Jillian ay kung paano siya umiiyak.

Ayon sa aktres, “Usually kasi 'yung mga artista ang ginagamit nila past experiences, minsan nag"-i-invent sila na inapi sila… Ako, what I usually do is after having read the script, alam ko na ang role ko, I just imagine a pair of shoes, so, the minute I put on the shoes of Giselle, ako na si Giselle. Pati 'yung lakad isipin na ako si Giselle, istrikta, pero mabait naman…

"I just put my shoes in the shoes of the role. Kasi, if I use my past experiences, according to a psychologist, it's not healthy, kasi you cannot let go of past wounds. Let's say totoo nga na may umapi sa'yo or whatever, hindi mo ma-forgive 'yun kasi you keep using it… Ako rin, kapag negative ang role ko, on the way home pa lang nag-aano na ako sa isip ko na, I'm loved, I'm kind, I'm happy. Kung hindi ko man magawa 'yun kasi madaldal ang PA ko… kapag dating ko sa bahay bago matulog I meditate…

"Malaking tulong din naman ang PA ko kasi nga makuwento siya. Kapag sad nagiging happy na ako. 'Yun din, if you love your work. You'll be excited to go to work. Hindi ka tatamaring bumangon sa kama… darating na pasaway na late na nga, hindi pa ready. It's not going to be difficult to cry or to get angry or kung anong emotion ang hinihing,i hindi magiging mahirap sa'yo kung alam mo ang role mo.Hindi 'yung wala kang alam sa role mo.”

Dagdag pa ni Dina, "Hindi ba 'yung nga ang binabayaran sa'yo maging artista... Mas matatanggap ko pa na, dumating nagpa-makeup ka, kasi hindi naman 'yan ang trabaho mo, ang trabaho mo umarte, hindi mag makeup… 'Yung ibang artista, mas ano pa ang makeup nila pero sa acting bokya. Hayaan mo na sa stylist, sa makeup artist. Your main responsibility is to act and to do it properly and intelligently.”

Kasalukuyang napapanood si Dina sa naturang afternoon show bilang si Giselle Tanyag, ang bagong CEO sa APEX Medical Hospital, at kapatid ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap).

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ng aktres na grateful at masaya siyang kabilang siya sa cast ng naturang hit GMA series.

Samantala, patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG AGELESS BEAUTY NI DINA BONNEVIE SA GALLERY SA IBABA: