
Masayang ibinahagi ni Dina Bonnevie ang unang camping trip niya kasama ang anak na si Danica Sotto.
Sa Instagram, ipinakita ni Dina ang simleng bakasyon ng kanyang pamilya. Makikita ring enjoy na enjoy sa paliligo sa talon ang aktres kasama ang mga anak.
"Family time. My first camping trip in years. Had so much fun with these guys," pagbabahagi ni Dina.
Kasama rin ni Danica sa kanilang family vacation ang asawang si Marc Pingris at ang dalawang anak na sina Jean Michael at Anielle Micaela.
Isa si Danica sa mga anak ni Dina kay 'Eat Bulaga' host Vic Sotto.
Samantala, tingnan ang masayang pamilya ni Danica Sottoe at Marc Pingris sa gallery na ito: