GMA Logo The Journey to The Promised Land
What's Hot

Dingdong Dantes and Marian Rivera's first-ever documentary is set to bring hope and inspiration to Filipino viewers

By EJ Chua
Published April 23, 2022 11:07 AM PHT
Updated April 25, 2022 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Friends brawl during Sinulog sa Kabankalan festivities
LGBTQ members figure in brawl during Sinulog de Kabankalan in NegOcc
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News

The Journey to The Promised Land


'MISS U: A Journey to The Promised Land,' abangan sa GMA!

Para sa nalalapit na pagdiriwang ng Mother's Day, mapapanood ang isang nakaaantig na palabas na labis na magbibigay ng pag-asa, determinasyon, at inspirasyon sa mga Kapuso.

Ito ay ang MISS U: A Journey to The Promised Land na idinirek ng Kapuso actor at Family Feud host na si Dingdong Dantes.

Mapapanood naman bilang host ang aktres at asawa ni Dingdong na si Marian Rivera sa palabas na ito.

Itatampok dito ang kahanga-hanga at makabagbag-damdaming mga istorya ng ilang ina at OFWs na patuloy na nakikipagsapalaran sa Israel.

Ilang indibidwal ang maglalahad ng kanilang mga natatanging kuwento tungkol sa kasalukuyang buhay nila malayo sa kani-kanilang mga pamilya.

Mayroon ding mga eksena na tiyak na magpapaluha at magbibigay ng saya sa bawat manonood.

Nabuo ang dokumentaryong ito nang samahan ni Dingdong si Marian sa bansang Israel para mag-judge sa 70th edition ng Miss Universe pageant.

Ang palabas na ito ang kauna-unahang dokumentaryo nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sinu-sino kaya ang mga taong nakilala at nakasama ng Kapuso couple sa tinaguriang "The Promised Land?"

Anu-ano kaya ang kanilang mga natuklasan habang naglalakbay sa ilang bahagi ng bansang ito?

Sabay-sabay nating abangan ang MISS U: A Journey to The Promised Land, mapapanood na sa darating na May 7, 2:30 p.m. dito lamang sa GMA.

Samantala, tingnan ang ilang mga larawan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang papuntang Israel sa gallery na ito: