GMA Logo Dingdong Dantes at Marian Rivera
Source: dongdantes/IG
What's Hot

Dingdong Dantes at Marian Rivera, paano inaayos ang problemang mag-asawa?

By Kristian Eric Javier
Published December 5, 2023 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Missing bride-to-be na si Sherra de Juan, sa Pangasinan nakita
Bentahan ng paputok sa Dagupan City, bente kwatro oras na | One North Central Luzon
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes at Marian Rivera


Marian Rivera at Dingdong Dantes, nagbahagi ng tips sa pag-ayos ng problema nilang mag-asawa.

May siyam na taon nang kasal ang Kapuso Royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at sa tagal ng kanilang pagsasama, hindi naman maiiwasan na mayroong hindi pagkakaintindihan. Kaya naman, ibinahagi ng dalawa kung paano nila hinaharap ang mga problemang dumadaan sa kanilang relasyon.

Sa interview ng dalawa kay Aubrey Carampel sa "Chika Minute" para sa 24 Oras noong Lunes, December 4, inamin ni Marian na hindi maiiwasan sa isang relasyon ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Ayon din sa Kapuso Primetime Queen, hindi naman dahilan iyon para hindi ayusin ang problema.

“Kung may pagkakataon, siguro mas maganda na very transparent kayo sa isa't isa, show respect and love pa rin,” sabi ng aktres.

Dagdag pa nito, “ At saka maaayos at maaayos n'yo 'yan sa mabuting pag-uusap. Lahat nadadaan dun.”

Sa nakaraang interview, inamin ni Marian na wala namang perfect na relationship, ngunit maaari itong maging “close to perfect” kung wino-work out ng magkarelasyon ang kanilang pagsasama.

Ibinahagi rin ng Kapuso aktres kung gaano ka-importante ang maglaan ng oras para sa iyong partner.

“May time talaga kami na kaming dalawa na palagi kaming nag-uusap, nag-heart to heart talk talaga kami kung kumusta ka na, ano'ng nangyari sa 'yo, may kailangan ka ba?” pagbabahagi ng aktres.

Dagdag pa niya ay napakalaking halaga na kinukumusta ang iyong partner.

BALIKAN KUNG PAPAANO NAG-SPEND NG QUALITY TIME SINA DINGDONG AT MARIAN SA GALLERY NA ITO:


Para namang sa Kapuso Primetime King, naging role model nila ang isa't isa at inspirasyon para maging best version ng bawat isa.

“Hindi naman parang tipong kung ano 'yung kulang sa akin, pinupuno niya at kung ano ang kulang sa kanya, pinupuno ko. Kumbaga, nagiging best versions of ourselves kami. Gusto namin parating 10 over 10 sa isa't isa,” pagbabahagi ni Dingdong.

Panoorin ang buong interview nina Marian at Dingdong dito: