GMA Logo dingdong dantes and marian rivera on kmjs
What's Hot

Dingdong Dantes at Marian Rivera, tampok sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho' ngayong gabi

By Cherry Sun
Published May 17, 2020 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP-HPG: Zaldy Co's luxury car has fake license plate
NLEX to increase toll fees starting January 20
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes and marian rivera on kmjs


Samahan si Jessica Soho sa kanyang interview kasama ang DongYan sa KMJS mamayang gabi!

Tampok ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ngayong Linggo nang gabi.

Sa kabila ng COVID-19 crisis at community quarantine, patuloy pa rin ang pagpapalabas ng mga sariwang kuwento ng KMJS.

Isa na rito ang bagong episode kung saan nakapanayam ng batikang Kapuso broadcast journalist ang DongYan couple na mapapanood mamayang gabi.

Ayon sa post ng KMJS, “Kahit busy sa pagiging Daddy at Mommy kina Zia at Ziggy, hindi pa rin nakakalimutan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na tumulong sa ating frontiners.”

Kahit busy sa pagiging Daddy at Mommy kina Zia at Ziggy, hindi pa rin nakakalimutan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na tumulong sa ating frontiners. ❤ #KMJS15 📷: @marianrivera, @dongdantes

A post shared by Kapuso Mo, Jessica Soho (@km_jessica_soho) on


Sinasamantala nina Dingdong at Marian ang pamamalagi sa kanilang bahay upang mas lalong matutukan at maka-bonding ang kanilang mga anak.

Kahit tutok sa buhay-pamilya, abala rin sila sa ilang relief operations at donation drive katulad ng pagsali sa online fundraising shows, pagluluto ng pagkain para ipamigay sa frontliners, at pagpapa-auction ng mga personal na gamit.

PANOORIN: Performance ni Marian Rivera bilang Elsa para sa 'Gabi Ng Himala'

Dingdong Dantes, katuwang ng DOH at FDCP sa anti-COVID-19 campaign

Dingdong Dantes auctions pre-loved motorcycle gear for charity