
May pagbabalik tanaw si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes tungkol sa masaya niyang alaala sa taping ng Philippine adaptation ng Endless Love, na pinagbidahan nilang dalawa ng asawang si Marian Rivera.
Ayon kay Dingdong, kakaibang experience para sa kanilang dalawa ni Marian ang Endless Love.
"Nung time na 'yun, pinagsisigawan talaga namin sa buong mundo kung gaano namin kamahal ang isa't isa," pag-amin ni Dingdong sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
"That's why iba rin 'yung experience of working with your partner, your real-life partner on screen."
Naging saksi naman sa pagmamahalan nina Dingdong at Marian noong kinukunan ang Endless Love ang kanilang co-star na si Dennis Trillo.
Kuwento ni Dennis, "Naalala ko 'yung mga eksena namin nina Marian at Dingdong doon, actually 'yung experience na makatrabaho 'yung dalawang 'yun bago pa sila ikasal."
Ginampanan nina Marian at Dingdong ang mga bidang sina Jenny at Johnny samantalang si Dennis ang gumanap bilang Andrew.
Mapapanood ang rerun ng Endless Love simula Lunes, June 7, sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Yaya at susundan dito ng Heartful Cafe.
Mahigit isang dekada na ang lumipas mula noong unang napanood sa telebisyon ang Endless Love. Nasaan na kaya ang mga bida nito? ALAMIN: