
Bibida ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa 2024 Cinemalaya entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group with Cinemalaya.
Kamakailan lamang ay inilabas ng GMA Pictures ang official poster ng naturang pelikula, kung saan makikita ang deglamorized look ng award-winning actress na may hawak na yellow ballot box, sa social media.
Umani naman ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens at local celebrities ang naturang poster. Isa na rito ay ang Kapuso Primetime King at asawa ni Marian na si Dingdong Dantes.
“Love this poster,” comment ng renowned actor.
PHOTO COURTESY: GMA Pictures (Instagram)
In-upload naman ng Kapuso comedian na si Boobay ang official poster ng Balota sa kanyang Instagram account at may congratulatory message para sa kanyang kaibigan.
“Congratulations My Loves @marianrivera!!!” sulat ng The Boobay and Tekla Show host sa caption.
Nag-iwan din ang Kapuso actress at host na si Maey Bautista ng comment at sinabi, “Grabe! Powerful ng poster.”
PHOTO COURTESY: boobay7 (Instagram)
Ibinahagi rin ng batikang aktres at acting coach na si Ana Feleo ang naturang poster at proud siya sa bagong pelikula ng kanyang malapit na kaibigan na si Marian.
“Immensely proud. Soooooooo proud of you,” sulat niya sa caption.
Nag-iwan naman ang celebrity mom at actress na si Iza Calzado ng heart emojis, habang nagpakita ng suporta ang batikang aktor na si John Arcilla para kay Marian.
“Yes. Indeed. Go Yan,” comment ng aktor.
PHOTO COURTESY: anagfeleo (Instagram)
Bukod kay Marian, kabilang din sa cast ng Balota sina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, at Sassa Gurl.
Mapapanood ang Balota sa 2024 Cinemalaya Independent Film Festival sa August 2 hanggang 11.