GMA Logo marian rivera
What's Hot

Marian Rivera, maraming challenges na naranasan sa 'Balota'

By Dianne Mariano
Published July 10, 2024 7:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


Inamin ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na marami siyang pagsubok na pinagdaanan sa taping ng 'Balota.'

Muling mapapanood sa big screen si Marian Rivera dahil bibida siya sa 2024 Cinemalaya entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya.

Sa naganap na press conference ng Cinemalaya ngayong Miyerkules (July 10), nakapanayam ng press ang award-winning actress at ibinahagi niyang bumalik ang kanyang fulfillment sa kanyang craft matapos gawin ang nasabing pelikula.

“Hindi ko mapaliwanag 'yung pakiramdam ko after ko matapos 'yung Balota. Parang palagi kong sinasabi, lalo na sa asawa ko, na alam mo 'yung ang tagal ko sa showbiz pero parang bumalik ulit 'yung fulfillment ko sa sarili ko sa paggawa ng trabaho,” aniya.

Related gallery: The cast of 'Balota' meet at its story conference

Inilahad din ni Marian kung bakit siya deglamorized at hindi nagpa- stunt double sa kanyang matitinding mga eksena sa Balota.

“Ang gandang gawin na totoo, e. Ang gandang gawin na ikaw lahat ang gumawa,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Marian, “Sabi ko nga, itong mga scar na ito at kung ano 'yung na-experience ko dito, lahat naman ng 'yon ay lilipas pero 'yung 100 percent na ginawa ko ito, hindi ko na maibabalik 'yon.”

Inamin din ng renowned actress na marami siyang napagdaanan na challenges sa paggawa ng Balota.

“Marami, hindi ko pwedeng maisa-isa. Parang sa bawat eksenang ginawa ko sa loob ng pitong araw, parang lalong, for me, is challenging,” saad niya.

Bukod kay Marian Rivera, kabilang din sa cast ng Balota sina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, at Sassa Gurl.