GMA Logo
What's Hot

Dingdong Dantes, ibinahagi ang mga detalye kung paano makakuha ng alternative work

By Maine Aquino
Published April 7, 2020 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Ang chairman ng YesPinoy foundation na si Dingdong Dantes ay gumawa ng paraan para makatulong sa mga nais magtrabaho ngayong enhanced community quarantine.

Ang chairman ng YesPinoy foundation na si Dingdong Dantes ay gumawa ng paraan para makatulong sa mga nais magtrabaho ngayong enhanced community quarantine.

Ayon kay Dingdong para ito sa freelancers at naghahanap ng alternative na trabaho. "May home-based jobs din na 'no experience needed' at interview na pwedeng sa telepono lang."

Sa kanyang bagong post sa Twitter, ibinahagi niya ang ilang detalye tungkol sa kanilang pakikipagtulungan sa JobstreetPH at WorkAbroad.PH.

Ani ng Amazing Earth host, "@yespinoy is partnering with @JobStreetPH, @WorkAbroadph to promote available online jobs para sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa crisis. So ang tanong-- PAANO? Heto po, pls follow the instructions on the photos at pwede rin kayo magtanong ngayon. #SanaOL"

Kasama sa kanyang tweet ay ang step by step procedure.


Nagbigay-linaw rin si Dingdong sa mga ilang katanungan sa kanyang post.


Bukod sa kanyang proyekto sa YesPinoy, may inihanda rin si Dingdong para sa frontliners kasama ang ibang Kapuso stars. Kasama naman niya ang kanyang asawa na si Marian Rivera sa paghahanda ng pagkain para sa mga frontliners.

'Alyas Robin Hood' muling mapapanood sa GMA Network

Ang batang nagkakawag at Miss Bataan, may inspiring stories na ibinahagi sa 'Amazing Earth' | Ep. 94