GMA Logo Dingdong Dantes on Family Feud
Source: dongdantes (IG)
What's on TV

Dingdong Dantes, inaming 'at home' sa bagong game show na 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published March 15, 2022 12:04 PM PHT
Updated March 20, 2022 7:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes on Family Feud


Simula March 21, mapapanood na si Dingdong Dantes bilang host ng much-awaited Philippine edition ng 'Family Feud.'

Magiging mas exciting na ang bonding time ng pamilya simula March 21 dahil sa pagdating ng pinakamalaking family-oriented game show sa telebisyon ngayong taon -- ang Family Feud na pangungunahan ng Kapuso actor, host, at family man na si Dingdong Dantes.

Sa isinagawang mediacon ng nasabing game show ngayong Lunes, March 14, masaya na humarap sa press si Dingdong at ibinahagi ang kanyang excitement sa nalalapit na pagsisimula ng programa.

Ayon sa aktor, mas makikilala ng mga manonood ang kanyang pagiging kuwela at makulit kapag napanood na ang Family Feud.

Aniya, "Through this game show Family Feud ay makikita talaga nila kung sino ako behind the camera.

"Kung paano ako sa bahay ganun din ako sa stage kasi isipin mo 'yung stage parang bahay ko siya e, kasi I welcome families every episode and kumbaga para akong host sa tahanan [na nagtatanong] 'O, kumusta ka?' 'O, laro tayong families,' so very at home ang pakiramdam."

Sa katunayan, pinag-usapan din online kamakailan ang isang TikTok video ni Gardo Versoza kasama si Dingdong na game na ipinakita ang kanyang groovy dance moves.

Samantala, bukod sa exciting lineup ng celebrity guest players, araw-araw ay may chance rin ang Kapuso viewers na manalo ng hanggang isang daang libong piso o tumataginting na kalahating milyong piso linggo-linggo.

Abangan ang Family Feud simula March 21, 5:45 ng hapon sa GMA.

Silipin naman ang mga larawan ng world-class studio ng Family Feud sa gallery na ito: