GMA Logo Dingdong Dantes
What's on TV

Dingdong Dantes, inilarawan kung bakit 'best time ever' sa tuwing ginagawa ang 'Family Feud'

By Aedrianne Acar
Published March 15, 2024 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Mark your calendars para sa second anniversary special ng 'Family Feud' simula March 18, #BestTimeEver!

Ramdam ang pagmamahal at saya ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa hit game show niya na Family Feud.

Nakapanayam ng press ang award-winning actor nitong March 15 para sa grand media conference ng “Best Time Ever” campaign ng GMA Entertainment group na ginawa sa Studio 6 ng GMA Network.

Kasama sa pino-promote rin ni Dingdong ay ang second anniversary ng Family Feud.

Mapapanood sa anniversary week ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at ang cast ng much-awaited primetime series na My Guardian Alien.

Manalo kaya ang Team Guardian na binubuo nina Gabby Eigenmann, Caitlyn Stave, Josh Ford, at Arnold Reyes o ang Team Alien nina Kiray Celis, Tart Carlos, Christian Antolin, at Sean Lucas ang aabot sa jackpot round?

Makikisaya rin sa anniversary special ang Running Man PH stars Kokoy de Leon Angel Guardian, Lexi Gonzales at Miguel Tanfelix na haharapin ang squad ng controversial couple na sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista.

Marami pang celebrity guest at exciting moments ang dapat tutukan sa anniversary presentation ng Family Feud na magsisimula sa March 18 (Monday).

Ayon pa kay Dingdong, learning experience para sa kaniya sa tuwing may taping siya. “Kakaiba 'yung energy so kunwari kahit ano'ng iniisip mo, basta 'pag sampa mo dun sa entamblado mawawala lahat 'yun, dahil mero'n at mero'n kang walong mga bagong nakikilala araw-araw. At ang dami ko natutunan sa kanila at nag-e-enjoy ka, 'yun ang pinakamahalaga.”

Bukod kay Dingdong na host ng Family Feud at Amazing Earth, spotted din sa “Best Time Ever” media conference ang Bubble Gang stars na sina Paolo Contis, Chariz Solomon, Matt Lozano, Cheska Fausto, EA Guzman, at Betong Sumaya.

Nakipag-chikahan din sa miyembro ng press ang cast ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa pangunguna ni Jake Vargas na gumaganap na Chito sa sitcom. Kasama rin niya sina Angel Satsumi at Arthur Solinap.

Present din ang mga Runners na sina Mikael Daez, Buboy Villar, at Kokoy de Santos na masayang ibinalita na mapapanood ang world premiere ng Running Man Philippines sa darating na May 11.

Sinabi ni Kapuso Primetime King na “best time ever” na makita na magsama-sama ang mga artista ng mga sikat na shows ng GMA Entertainment sa isang event.

Lahad ni Dingdong, “Definitely, ngayong ang best time ever, magkakasama kami ngayon dito dahil siyempre nagsama-sama 'yung mga shows. At 'pag sinabi mo ang best time ever, malaking bagay na hindi ka lang mag-isa e, na sama-sama kayo. Kasi, parang minsan kung mag-isa ka lang at nagse-celebrate ka sana iisipin mo sana may ka-celebrate ako.

“At ngayong sini-celebrate po natin 'yan. Hindi lang isa, hindi lang dalawang shows kundi napakaraming shows ng GMA.”

RELATED CONTENT: THE AMAZING CAREER OF DINGDONG DANTES