
May bagong disguise na na-unlock ang character ni Dingdong Dantes na si Atoy sa The Master Cutter.
Sa bagong high-stake mission ni master sungit, kailangan niya ma-infiltrate ang Zahran embassy para sa isang importanteng laptop.
Kaya naman kailangan ng bagong disguise ni Atoy. At sa tulong ni Kuya Kurt, nag-transform sila bilang Sokolov brothers.
Ipinasilip pa ng multi-awarded actor at host ang naging transformation niya as Alexei.
Sabi ni Dingdong sa isang Facebook video, “May kakaibang transformation na magaganap sa character ni Atoy. Let's go”
Marami namang fans ang tuwang-tuwa sa behind-the-scenes moment na ito ni Dingdong. Komento ng isang netizen, “Natawa ako sa episode na to. Galing talaga ni master atoy,”
Source: Dingdong Dantes (Facebook)
Muling panoorin ang secret mission nina Atoy at Kuya Kurt sa The Master Cutter sa video below!
RELATED CONTENT: These photos prove Dingdong Dantes does not seem to age!