
“Redemption is never easy, but it is always worth fighting for…”
Hatid ng GMA Network ang bagong aabangang action-drama series na magbibigay ng bagong anyo sa primetime action - ang “The Master Cutter.” Ito rin ang pagbabalik ng multi-awarded actor na si Dingdong Dantes sa isang leading primetime role.
Simula Mayo 11, bibigyang-buhay ni Dingdong ang isang kakaiba at masalimuot na karakter na magpapakita ng kanyang kahanga-hangang husay bilang aktor sa loob ng halos tatlong dekada.
Iikot ang kuwento ng “The Master Cutter” sa buhay ni Anthony “Atoy” Padua (Dingdong), isang bihasang Scout Ranger na piniling mamuhay nang tahimik bilang mananahi. Ngunit sa likod nito, palihim siyang nagtatrabaho bilang man-hunter at tracker-for-hire. Sa loob ng kanyang tailoring shop, si Atoy ang takbuhan ng mga taong naghahanap ng hustisya.
Dahil patuloy pa ring gumugulo sa kanyang isipan ang pagkamatay ng nobyang si Elaine (Max Collins), nagsumikap si Atoy na muling ayusin ang buhay, pati na ang relasyon niya sa kanyang ama, at mamahala sa negosyo ng pamilya. Ngunit sa kanyang muling pagtindig, haharap siya sa isang kasong magpapabago sa kanyang landas.
Pinagsasama ng The Master Cutter ang kuwento ng pamilya, lighthearted drama, at kapana-panabik na aksyon. Patutunayan nito na ang bawat tabas ay may kuwentong dapat abangan ng mga manonood.
Tampok sa serye sina Shuvee Etrata bilang Tonet, Sienna Stevens bilang Ibyang, Jo Berry bilang Ame, at Paolo Contis bilang Red.
Kasama rin dito sina Tonton Gutierrez bilang Dmitri, Joey Marquez bilang Delfin, Polo Ravales bilang Paldo, Ketchup Eusebio bilang Emerson, Max Eigenmann bilang Martina, at Rio Locsin bilang Cita.
Mapapanood din sa serye ang Sparkle stars na sina Charlie Fleming, Prince Carlos, at Anthony Constantino.
Ang serye ay mula sa GMA Entertainment Group na pinamumunuan nina Officer-In-Charge and Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy, Assistant Vice President for Drama Ali Nokom-Dedicatoria, Program Manager Dennis Bentulan, at Executive Producer Nieva Magpayo.
Binubuo ang creative team nina Creative Director Aloy Adlawan, Creative Head Des Garbes - Severino, Creative Consultant Glaiza Ramirez, Head Writer Angeli Delos Reyes - Delgado, at mga manunulat na sina Lobert De Jesus Villela, John Anthony Medilo Rodulfo, Rona Lean Sales, kasama ang brainstormers na sina Aldrin Garcia at Emerson Jake Lazaro Somera.
Sa direksyon ni Dominic Zapata, handog ng “The Master Cutter” ang mala-pelikulang pagsasanib ng matinding aksyon at emosyon.
Abangan ang The Master Cutter simula Mayo 11, Lunes hanggang Biyernes, 8:15 p.m. sa GMA Prime at online sa Kapuso Stream at GMA Play. Mapapanood din ito ng mga Global Pinoy sa GMA Pinoy TV.