
Kakaibang challenge ang haharapin ng award-winning 'Family Feud' host na si Dingdong Dantes ngayong hapon. Sa request ng studio audience, magsasayaw siya ng tinikling kasama ang award-winning Ramon Obusan Folkloric Group (ROFG).
Kayanin kaya ng kanyang mga paa ang mabilis na tiyempo ng sayaw? Pumasa kaya ang kanyang moves sa artistic director ng ROFG na nasa studio?
Pero bago ang performance ni Dingdong, makikilala muna natin ang dalawang powerhouse dance groups na maghaharap sa exciting na Wednesday episode ng Family Feud.
Magpapakitang gilas sa paghula ng top answers ang tinikling dancers ng Ramon Obusan Folkloric Group at ang female tap dancers from the Halili-Cruz School of Dance.
Ang leader ng team ay si Perci Carel, ang 19-year ROFG veteran na nagte-train ng dancers sa Diwayanis Dance Theater in Batangas State University. Makakasama niya sa Tinikling Tribe si Elyza Quirao, ang astronomy student ng Rizal Technological University; Avril Jaravata, financial management student sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; at si Jayson Morillo, ang hospitality management student ng Technological University of the Philippines, Manila.
Ipakikita ng grupo ang kanilang precision, grace, and mastery of bamboo poles.
Ipakikita naman ng The Sole Sisters na sila ay striking with flair and fast footwork bilang mga female tap dancers ng Halili-Cruz School of Dance.
Maglalaro sa kanilang team si Pia Allones, ang B.S. Economics student ng U.P. Diliman na nagsimula ng training ng ballet, jazz, tap, lyrical, and contemporary dance sa edad na six years old. Makakasama niya sa Family Feud ang fellow champions mula sa Asia Pacific Dance Competition at Get the Beat Dance Competition na sina Princess Caballero, ang Grade 12 Health Allied student ng UST at nagsimula mag-ballet sa edad na four years old at tap ng eight years old; si Aeisha Bagadiong, na nagta-tapping for six years; at ang youngest member na si Samantha Ipapo.
Abangan ang battle of wit, speed, and strategy para sa jackpot prize ng Family Feud ngayong Miyerkules, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: