
Bukod sa natanggap na award ng Dantes family, nasungkit din ang dating Kapuso morning show ni Marian na Yan Ang Morning! ang Best Talk Show award.
Matapos kilalanin sina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang Most Popular Couple of the Year ng OFW Gawad Parangal noong 2015, ngayong taon naman ay hinirang ang mag-asawa kasama ang anak na si Baby Zia na Most Popular Family in the Showbiz Industry.
Ito ang ika-anim na OFW Gawad Parangal kung saan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa mismo ang nag-nominate at bumoto sa mga binibigyan ng awards.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Marian ang kanyang pasasalamat. Aniya, "Maraming salamat po, OFW Gawad Parangal. At walang hanggang pasasalamat sa umaapaw na pagmamahal ninyo sa aking pamilya."
Bukod sa natanggap na award ng Dantes family, nasungkit din ang dating Kapuso morning show ni Marian na Yan Ang Morning! ang Best Talk Show award.
MORE ON DANTES FAMILY:
READ: Marian Rivera, nagpasalamat sa natanggap na ika-apat na Anak TV Award
LOOK: Marian Rivera's throwback photo looks a lot like Baby Zia
READ: Marian Rivera, sinagot ang isang netizen na tutol sa breastfeeding in public