
Mapapanood na ngayong July 12 ang inihandang grand finale ng thrilling three-part sixth anniversary extravaganza ng Amazing Earth.
Mula sa Hundred Islands National Park in Alaminos, Pangasinan, ibabahagi ni Dingdong Dantes ang mga extraordinary stories sa Amazing Earth.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Ipakikilala niya ang unsung heroes of the deep na kilala bilang Scubasureros. Tampok pa ang heroic lola Scubasurera na isa sa mga tumutulong sa pangangalaga ng delicate marine ecosystem ng Hundred Islands.
Mula naman sa Quezon City mapapanood si Angel Leighton sa haharaping exciting challenge sa isang Ninja Warrior training grounds.
Hindi rin papahuli ang bagong seryeng ibabahagi ng Kapuso Primetime King na "Africa's Deadliest: Oceans."
Tutukan ang huling bahagi ng 6th anniversary special ng Amazing Earth sa July 12, 9:35 p.m. sa GMA at sa Pinoy Hits
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG HELMET DIVING ADVENTURE NINA DINGDONG DANTES AT ARTHUR SOLINAP SA AMAZING EARTH: