GMA Logo dingdong dantes
PHOTO SOURCE: @dongdantes
What's Hot

Dingdong Dantes, may paalala para maging ligtas sa pagputok ng bulkan

By Maine Aquino
Published December 10, 2024 12:26 PM PHT
Updated December 11, 2024 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes


Alamin ang payo ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes dito:

Isang paalala ang ibinigay ng Kapuso Primetime King at Amazing Earth host na si Dingdong Dantes sa mga apektado ng pumutok na bulkan.

Si Dingdong ay ipinakilala bilang campaign ambasssador para sa "Panatag Pilipinas" noong Nobyembre. Ang “Panatag Pilipinas” disaster preparedness campaign ay inilunsad ng Office of Civil Defense at World Bank.

Dingdong Dantes

PHOTO SOURCE: @dongdantes

Kasunod ng balitang pagputok ng Kanlaon, isang paalala ang inilabas ni Dingdong sa kaniyang social media account para matulungan ang mga mamayang apektado.

Dito, ipinakita ng actor-TV host, ang alternatibong paraan sakaling walang dusk mask para manatiling ligtas sa oras ng sakuna.

"Kumuha ka ng basang panyo o bimpo para ma-filter ang nilalanghap mong hangin. Tapos i-check mo rin siyempre ang mga kasama mong bata at matanda kung may suot silang mask para safe rin sila sa ashfall."

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Bukod sa pagiging campaign ambassador ng "Panatag Pilipinas," kinilala rin si Dingdong Philippine Navy Reservist Lieutenant Commander noong 2020. Binigyan naman siya ng titulong honorary member of the Philippine Navy Seabees noong December 2023.

Nitong March 2024, natapos ni Dingdong ang Naval Combat Engineer Officer Basic Course. Nakatanggap naman siya ng Rifle Expert Badge at Kapanalig Medal.