
Isang sweet na Mother's Day tribute ang handog ni Dingdong Dantes para sa kaniyang asawa na si Marian Rivera.
Photo source: dongdantes
Si Marian ay nakatanggap ng balloons at flowers mula kay Dingdong at kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.
Saad ni Dingdong sa kaniyang Instagram post, "Ang reyna ng aming tahanan. Happy Mother's day, Love."
Nagpasalamat naman si Marian sa kaniyang asawa ngayong Mother's Day.
Ayon kay Marian, "Love you, mahal. 🥰 Salamat sa walang hanggang pagmamahal ♥️"
Bukod sa regalong handog nina Dingdong at kanilang mga anak, naghanda rin ng Mother's Day tribute si Dingdong para kay Marian at sa lahat ng mga nanay noong May 5.
Saad niya, "Iba ang mga Nanay: Matapang. Walang sinusukuan. Ibang klase magmahal - radikal. Inspirasyon natin sila para patuloy na maging mabuti at gumawa ng mabuti."
Dugtong pa niya, "Sana lahat tayo, ipagdiwang pang lalo ang mga ina. Dahil alam nating lahat na totoong dakila sila. 💖"
Samantala, abangan ang replay ng mother's day treat nina Dingdong at Marian na MISS U: A Journey to The Promised Land mamayang 9:45 p.m. sa GTV at Heart of Asia