GMA Logo dingdong dantes
Source: dongdantes (Instagram)
What's Hot

Dingdong Dantes, muling nagbabala tungkol sa online scam gamit ang kanyang pangalan at 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published November 4, 2022 5:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE UPDATES: Gatchalian bloc holds Senate blue ribbon hearing on flood control (June 8, 2026)
First day of classes marred by M7.8 quake off GenSan
Farm to Table: (June 7, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes


Mga Kapuso, huwag maging biktima ng scammer. Basahin ang buong paalala ni Dingdong Dantes hinggil sa mga manloloko na ginagamit ang Family Feud, DITO:

Muling nagpaalala ang Family Feud host na si Dingdong Dantes sa publiko hinggil sa online scam na gumagamit ng kanyang pangalan at ng nabanggit na programa upang makapanloko ng kapwa, lalo na sa mga sumasali sa "Guess To Win" promo ng game show.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Dingdong ang video ng kanyang statement patungkol sa kumakalat na online scam.

Sa unang bahagi ng video, nagpasalamat si Dingdong sa lahat ng sumusubaybay at sumasali sa segment ng Family Feud.

Aniya, "Maraming kababayan natin ang sumasali sa 'Guess to Win Promo' ng Family Feud. Nagpapasalamat kami sa walang sawa at patuloy ninyong pagtangkilik sa promo at sa ating programa."

Kasunod nito, nagbabala na si Dingdong tungkol sa mga masasamang loob na ginagawang daan ang programa sa ilang mga iligal na gawain.

"Ngunit sa gitna ng kasiyahang hatid ng ating palabas, ginagamit naman ito ng mga oportunista para manamantala at mambiktima ng ating mga kababayan.

"Maging ang pangalan ko ay kinakasangkapan na rin ng mga taong ito para makapanloko ng kapwa.

"Gusto naming ipaalala na kung kayo ay mananalo sa Guess To Win Promo, padadalhan kayo ng mensahe via email ng GMA Network. Sa nasabing mensahe nakadetalye ang requirements na dapat isumite para makuha ang premyo," wika ni Dingdong.

Pagdidiin pa niya, "Walang ibang grupo o indibdwal ang awtorisadong magbigay ng premyo sa mga mananalo. Tiyaking opisyal na kinatawan ng GMA Network ang kausap ninyo bago kayo magbigay ng pribadong impormasyon gaya ng cellphone number."

"Sa mga sumasali naman sa promo, iwasang mag-iwan ng pangalan, address at cellphone number sa comments section ng Facebook o YouTube. May official site ang Family Feud kung saan kayo dapat magpadala ng mga sagot," dagdag pa ni Dingdong.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Sa mga nais sumali sa "Guess To Win" promo ng programa, simple lang ang dapat gawin, manood at tumutok sa Family Feud. Abangan ang tatlong tanong na lalabas sa inyong mga TV screens at hulaan ang top answers ng publiko sa mga tanong na ito.

Ipadala lamang ang inyong sagot sa www.GMANetwork.com/FamilyFeudGuessToWin at huwag ilagay ang ano mang personal na detalye sa comment section ng live streaming o social media posts upang makaiwas sa ano mang uri ng scam.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

BALIKAN NAMAN ANG NAGING CAREER JOURNEY NI FAMILY FEUD HOST DINGDONG DANTES SA GALLERY NA ITO: