
Isang pagpapasalamat sa kalikasan ang ibinahagi ni Dingdong Dantes sa kaniyang kaarawan.
Noong August 2 ay nag-celebrate ng kaarawan ang Amazing Earth host na si Dingdong.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Ayon kay Dingdong, may hatid siyang regalo para kay Inang Kalikasan ngayong 2023. Aniya, "Imbes na tumanggap ng regalo, ako po ang magreregalo kay Inang kalikasan."
Kuwento pa ni Dingdong, pagkatapos ng 5th anniversary ng Amazing Earth, pasasalamat naman para sa kaniyang kaarawan ang ibabahagi sa mga manonood.
"This week, magpapasalamat ulit ako sa dami ng blessings dahil ako naman po ang nagdiriwang ng kaarawan."
Nagtanim si Dingdong ng Narra seedlings sa Kennely Anne Park, Makati. Pagkatapos ay nag-donate pa siya ng Narra seedlings sa Talavera Watershed sa Nueva Ecija sa tulong ng We Lift Club.
Saad ni Mary Ann Vale, founder ng We Lift Club, "Ang 200 seedlings po na idinonate ni Sir Dingdong ay itatanim po natin sa tree planting sites."
Panoorin ang regalong handog ni Dingdong dito: