What's Hot

Dingdong Dantes, nagagamit ang values at principles bilang navy reservist sa pagiging artista

By Kristine Kang
Published May 10, 2024 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
24 Oras Weekend: (Part 4) December 6, 2025
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Dingdong Dantes sa mga natutunan bilang isang navy reservist : "Para sa akin ang laki nang na-itutulong sa akin ng values and principles na iyon." Read more:

Kilala si Dingdong Dantes bilang isa sa mga magagaling na artista sa media industry. Sa loob ng halos tatlong dekada, ipinamalas niya ang kaniyang skills sa pag-arte, pag-host, at pati na rin sa pagdidirek ng mga palabas. Dahil sa kanyang angking talento, tinagurian siyang Kapuso Primetime at Box-Office King.

Sa kanyang panayam kasama si Nelson Canlas para sa GMA Integrated News Interviews, ibinahagi ni Dingdong ang kanyang pagiging propesyonal bilang isang aktor.

Ikinuwento ng Primetime King, nagagamit niya ang mga values at prinsipyo na natutunan niya sa pagiging navy reservist sa maraming aspeto ng kanyang buhay.

Aniya, "Para sa akin ang laki nang na-itutulong sa akin ng values and principles na iyon. That were also reinforced when I joined also the reserve force. Kasi ang mga prinsipyo nito 'yung prinsipyo ng integridad, 'di ba? Integrity, 'yung resilience, ('yung) discipline, ('yung) honor and ('yung) pinaka mahalaga sa lahat, 'yung loyalty. Lahat ng mga ito, nagagamit ko sa aking profession as an aktor. Nagagamit ko in my everyday life."

Maliban sa pagiging aktor, nagagamit din ni Dingdong ang mga natutunan niyang prinsipyo sa pagiging isang ama at asawa.

"Higit sa lahat, nagagamit ko siya sa pagiging isang ama. Nagagamit ko siya sa pagiging isang asawa at pagiging isang anak," sabi niya.

Ibinahagi din ng Kapuso star ang kanyang pagmamahal sa kanyang trabaho at sa industriya na humubog sa kanya.

Nang tanungin kasi ni Nelson Canlas kung ano pa ba ang kailangan ng industriya, seryoso at passionate sinagot itong ni Dingdong.

Para sa kanya, may mga pillars na dapat alagaan at pagbutihin para mas umangat ang industriya.

Una niyang binanggit, ang talentong taglay ng mga Pilipino. Aniya, "Naniniwala ako kasi na parang may tatlong malalakas na pillars at elemento 'yung industriya na kapag pinatibay mo talaga ay makikita mo 'yung ideal state. Una diyan, naniniwala kasi talaga ako sa talent ng pinoy. Naniniwala ako na napakagaling natin mga pinoy pagdating sa ating talento. World class talaga. Sana sa lahat ng mga artists, eh 'wag silang mapagod na ipakita ang kanilang galing."

Dagdag pa ni Dingdong, ang pagbibigay ng iba't ibang platforms at ang audience impact ay isa sa mga pillars na dapat tutukan ng industriya.

"Pangalawa, sana mabigyan ng mas maraming platform ang ating magagaling na talent. And I think the third, important aspect also is the part of the audience. Sana ang ating pangarap dyan, eh tangkilikin talaga nila dahil binigay ng ating mga artist 'yung kanilang galing ."

Ngayon, sa pag-renew ng kanyang kontrata sa GMA Network, patuloy pa rin si Dingdong na maghandog ng mga bagong proyekto at pagmamahal bilang isang Kapuso star.

Patuloy ang Kapuso actor sa pagbibigay ng saya at kaalaman sa kanyang mga programa sa GMA tulad ng Family Feud at Amazing Earth.

Marami rin siyang bagong proyektong dapat abangan, kabilang na ang kanyang bagong pelikulang Love After Love.