
Achievement unlocked daw para sa host ng Family Feud na si Dingdong Dantes na makausap ang Hollywood star at kilalang host na si Steve Harvey.
Ito ay ang kuwento niya mula sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras tungkol sa pag-ere ng inaabangang pag-uusap nila ni Steve sa Family Feud. Mapapanood na ito ngayong April 24 sa Family Feud.
PHOTO SOURCE: Family Feud Philippines
Kuwento ni Dingdong sa naging pag-uusap nila ng Hollywood star at counterpart niya sa Family Feud host sa Amerika, "Hindi ako makapaniwala."
Dugtong pa ni Dingdong, "Dati kasi binati niya 'yung programa, 'yung Family Feud noong nag-uumpisa. Now on its fourth year, sobrang saya namin dito sa Family Feud na talagang nag-video call kami, nag-usap kami, so nakakatuwa talaga."
Ibinahagi din niya ang paghanga ni Steve sa kanya at sa Family Feud Philippines.
Ani Dingdong, "Binanggit din niya na napapansin niya, napapansin din nila, 'yung Family Feud Philippines."
Saad pa niya, "That is definitely because of 'yung mga contestants natin, kung gaano kakwela 'yung mga sumasali, 'yung mga mismong tanong, 'yung formulation ng questions, talagang Pinoy na Pinoy."
Abangan ang historic Friday with Steve Harvey sa Family Feud ngayong April 24, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Samantala, tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.