
Bahagi si Dingdong Dantes sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa pag-aksyon sa mga sakuna.
Si Dingdong ang napiling ambassador sa inilunsad na National Disaster Resilience Month 2025 ng Office of Civil Defense nitong July 1 sa Makati.
PHOTO SOURCE: @dongdantes
Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa Balitanghali, bukod sa online platforms ay mapapanood din ang advocacy campaign na ito sa iba't ibang pampublikong lugar sa bansa.
Inilahad naman ng Kapuso Primetime King na masaya siyang maging bahagi ng advocacy na ito. Aniya, "I appreciate the fact that it is now a multimedia campaign. One of the goals is to make it accessible, to make it, of course, relatable and not intimidating."
Samantala, sa Facebook post ng Civil Defense PH at ng The Philippine STAR ay ipinakita ang ilang larawan ni Dingdong sa nasabing event.
"Actor and Philippine Navy reservist Major Dingdong Dantes, ambassador of the Panatag Pilipinas Campaign, delivers a speech during the kickoff of the National Disaster Resilience Month 2025 at a mall in Makati on Tuesday."
KILALANIN ANG MGA CELEBRITIES NA MAY CHARITIES AND ADVOCACIES: