
Nagpahayag ng paghanga si Dingdong Dantes sa unang live selling experience ng kaniyang asawa na si Marian Rivera.
Ang live selling na ito ay para sa skincare line ni Marian na Vida Essentials.
PHOTO SOURCE: @marianrivera
Saad ni Dingdong, inabot ng anim na oras ang unang pagsabak ni Marian sa live selling.
"Congratulations sa aking misis sa kanyang unang live selling experience. Wow. Six hours straight of live selling her own product. Kakaibang dedication 'yan. Congrats!"
Inilahad din ni Dingdong ang paghanga niya para sa mga live sellers dahil personal niyang nakita ang prosesong ito kay Marian.
Saad niya, "Hangang-hanga talaga ako sa mga live sellers. Mas lalo kong na-appreciate kung gaano kahirap at kagaling ang ginagawa ninyo—ang energy, diskarte, tiyaga, at connection with people in real time.
Much respect for all live sellers and the skill that comes with it. Hindi biro ang trabaho ninyo.
Mabuhay ang mga live seller!"