
Instant braces sa ngipin na kung tawagin ay “Dingdong Dentist” ang nakatutuwang nadiskubre ng aktor at TV host na si Dingdong Dantes.
Sa kaniyang pagkaaliw dito, ibinahagi ni Dingdong sa Instagram ang packaging ng nasabing “Dingdong Dentist” accessory na may larawan niya pa noong kabataan niya at nakasuot ng tooth braces.
“Creeping it real with the Dentist #SpookySmiles,” nakatutuwang caption ni Dingdong sa kaniyang post.
Marami naman ang natawa at nagkomento sa post ni Dingdong maging ang celebrities na sina Iza Calzado, Joross Gamboa, Dion Ignacio, at mga direktor na sina Mark Reyes, at Mae Cruz-Alviar.
RELATED GALLERY: TRIVIA: The incomparable career of Dingdong Dantes
Samantala, bukod sa kaniyang pagiging host ng Family Feud at The Voice Generations, abala rin ngayon si Dingdong sa taping ng kanilang comeback movie ng kaniyang asawa na si Marian Rivera na pinamagatang Rewind. 61/dingdong-dantes-marian-rivera-marry-again/photo
Ito ang unang pelikula nina Dingdong at Marian sa produksyon ng Star Cinema nang magkasama. Ang nasabing pelikula ay ipapalabas sa December 25 bilang isa sa Metro Manila Film Festival 2023 entries.
Ikinasal sina Dingdong at Marian noong 2014 at biniyayaan ng dalawang anak na sina Zia at Sixto.