Dingdong Dantes, nagbabalik bilang game master sa 'Family Feud' matapos ang 'Royal Blood'

Game na game na humarap sa press ang game master ng Family Feud na si Dingdong Dantes sa ginanap na media conference ng programa noong Sabado, September 23, sa GMA.
Ang nasabing media conference ay kabilang sa promo effort ng nasabing game show para sa grand comeback nito sa darating na October 2 sa GMA.
Matapos ang matagumpay na pagganap ni Dingdong sa seryeng Royal Blood at kasalukuyang pagiging host ng singing competition na The Voice Generations, mapapanood nang muli si Dingdong bilang game master sa Family Feud.
Alamin ang mga bagong sorpresa na dapat abangan sa pagbabalik ng Family Feud, DITO:









