
Nakakataba ng puso para sa multi-awarded actor-host na si Dingdong Dantes na nangunguna pa rin sa primetime ang GMA action-packed series na The Master Cutter.
Nanatili pa rin number one ang GMA Prime series sa primetime block at mas pinipiling tutukan ng mga manonood
Gayundin sa streaming platform na Netflix, nanatili pa rin ang The Master Cutter sa Top Ten TV shows.
Kaya nagpasalamat si Dingdong sa mainit na suporta ng bayan sa adventures ng karakter niyang si Atoy.
Sa Facebook post niya kahapon, June 25, ipinakita ni Dingdong ang larawang kuha mula sa first screening night ng The Master Cutter.
Aniya, “Gusto ko lamang mag pasalamat at i-share — nang dahil po sa patuloy ninyong pagtangkilik, nananatiling matatag ang The Master Cutter bilang nag-iisang Filipino TV show sa Netflix Top Ten. Mahal po namin kayo.”
Source: Netflix Philippines
Mas kaabang-abang ang mangyayari sa mission ni Atoy sa susunod na mga linggo.
Kuwento ni Dingdong sa 24 Oras, dapat tutukan ng fans ang mga bagong disguise ni Master Cutter.
Aniya, “Ang dami pa niyang mga papasukin mga kung ano-anong disguise. Ako sobrang 'pak' with multiple levels of excitement, ika nga. So, hindi lang sa action, may drama, may comedy rin. Siyempre, nandiyan din 'yung suspense, so, talagang multi-genre talaga siya na nababagay gabi-gabi.”
Humanda sa pak na pak na primetime viewing next week dahil simula Lunes, June 29, mapapanood na rin simultaneously ang The Master Cutter sa Heart of Asia at I Heart Movies, 8:00 p.m., pagkatapos ng 24 Oras!
Related gallery: The Master Cutter's most irresistible actors