GMA Logo Dingdong Dantes
What's on TV

Dingdong Dantes, special guest sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun
Published March 4, 2021 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CBCP call for prayers, aid for OFWs, dialogue amid global conflicts
Foreign Exchange Rate (May 20, 2026) | One North Central Luzon
Bangsamoro Darul-Ifta' says Eid al-Adha 2026 is on May 27

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Mapupuno ng kilig at hiyawan ang Saturday night sa pagdating ni Dingdong Dantes sa 'Celebrity Bluff!'

Kahit si Eugene Domingo hindi naitago ang kilig at excitement nang malamang si Dingdong Dantes ang guest bluffer sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, March 6.

Dingdong Dantes

Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, at Boobay sa all-original Pinoy comedy game show. Habang wala si Brod Pete ay uupo si Dingdong bilang guest bluffer.

Sa pagdating ng tinaguriang Kapuso Primetime King ay nabalot ng kilig at hiyawan ang studio!

Samantala, tatlong celebrity mom-and-child tandems naman ang magtatapatan sa pagtawag ng “Fact” or “Bluff!” Magkakampi sina Alma Moreno at Winwyn Marquez, habang teammates sina Eula Valdes at Miguel Valdes, at magkagrupo naman sina Melissa Mendez at Denisse Oca.

Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?

Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng I-Witness!