
Hindi lamang Master tracker kung hindi Master Tagapagtanggol din para sa taumbayan ang bidang si Atoy (Dingdong Dantes) sa nangungunang GMA Prime series na The Master Cutter.
Klarong-klaro ang desisyon ng bayan kung sino ang mas pinapanood sa primetime.
Mula June 29 hanggang July 3, nakapagtala ang The Master Cutter ng malaking lamang kontra sa katapat nitong programa base sa datos ng NUTAM People Ratings.
Para hindi kayo ma-'FOMO' sa mga susunod na mangyayari sa mga laban ni Atoy ay tumutok sa GMA Prime gabi-gabi.
Kuwento ni Dingdong Dantes sa 24 Oras, marami pang dapat abangan sa The Master Cutter.
Lahad niya sa "Chika Minute," “Katatapos niya lang maging madre. So marami-rami pa ang kailangan niyang pasuking identity para makamit ang mga mission na 'yan. Wala pa tayo sa exciting part,”
Panoorin ang simulcast airing ng The Master Cutter sa GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies sa oras na 8:00 p.m.
Related gallery: Strong chemistry powers The Master Cutter cast