What's on TV

Dingdong Dantes to present COVID-19 experiences of student from Wuhan on 'Amazing Earth'

By Dianara Alegre
Published July 15, 2020 12:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes on amazing earth


Tampok sa pinakabagong episode ng Amazing Earth ang mga karanasan ng ilang Pinoy frontliners at estudyanteng nasa Wuhan nang magsimula ang COVID-19.

Back to work na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes dahil nagsimula na siyang mag-taping para sa fresh episodes ng informative program na Amazing Earth nitong Martes, July 13.

“Malinaw naman 'yung mga rules na binigay nila, e.

"Katulad naman ng lahat, basta may social distancing, kailangan naka-mask, kailangan naka-PPE pwera ako.

"Kasi, kapag on-cam kailangan tanggalin ko na 'yung mask ko. Okay naman 'yung ventilation dito dahil nasa rooftop tayo, open air,” aniya sa panayam ng 24 Oras.

One of the things i have learned in bootcamp is to always make the shoes look and feel snappy, no matter what the situation is. Leave no trace of the lace behind! #AmazingEarth @oakley_ph

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Ayon kay Dingdong, tampok sa unang episode ng show ang pagtalakay sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) kung saan ilang personalidad, na mas malapitang nasaksaksihan ang pandemya, ang magbahahagi ng kanilang mga karanasan.

“Mayroon tayong in-interview na isang doktor, na commercial model na nakasama ko sa isang commercial.

"Frontliner siya ngayon sa isa sa mga pinaka-busy na mga ospital sa Manila.

“Pangalawa, mayroon tayong doktor na Pinoy na naka-base sa New York.

"Bibigyan niya tayo ng perspective kung paano ang COVID-19 sa Estados Unidos,” aniya.

Bukod dito, maghahatid ang programa ng mas masinsinang pananaw tungkol sa sakit dahil tampok din dito ang karanasan ng isang estudyante sa Wuhan, China, kung saan ang nagmula ang COVID-19.

“Sobrang interesting para sa akin din, isang estudyante na nasa Wuhan nu'ng nag-lockdown.

"By choice, nanatili siya roon, kasi he's taking up something, kanyang PhD at iku-kwento niya sa atin kung ano 'yung naging experience niya sa loob mismo ng Wuhan, kung saan nagmula ang COVID-19,” dagdag pa niya.

Abangan ang fresh episodes ng Amazing Earth soon on GMA Network.

Dingdong Dantes, may challenge para kay Alden Richards sa 'Amazing Earth'

I only remove my mask when I'm at home, and in a place where I am safe because it feels like home. Officially reported for duty this morning at @gmanetwork to deliver fresh episodes for Amazing Earth. Kaya pahiram po muna ng iyong chaleko, ginoong Howie Severino, at magsisimula na muli akong magkuwento. 😉 #AmazingEarth

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on



Samantala, ibinahagi rin ni Dingdong na itinuon niya at asawa niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang panahon sa kanilang mga anak na sina Zia at Sixto sa halos apat na buwan nilang pananatili sa bahay.

Abala rin sila sa online homeschooling at tutorial na sinasamahan nila ng explorational games.

“Si Marian ay mahilig magluto. May imbento siya halos everyday, so siyempre nakaabang na lang kami sa mga pakulo niya.

"Pero more than 'yung kanyang dishes, 'yung pakikipaglaro sa mga bata 'yung pinagkakaabalahan namin.

“Kasi, nandu'n sila sa edad na sobrang likot na. Ang dami nilang gustong gawin, very energetic. Kailangan may something new sa kanila parati dahil nag-e-explore sila. Kailangan sabayan namin 'yon,” sabi pa ng aktor.

#TeamDantes: The growing, beautiful family of Dingdong Dantes and Marian Rivera

Have a blessed Sunday everyone. ♥️

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera) on