
Nakatanggap si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ng isang pagkilala mula sa Manila International Film Festival na ginanap sa Los Angeles, California.
Hinirang dito si Dingdong bilang Best Actor para sa kanyang pagganap sa pelikulang Rewind.
Tie sa award si Dingdong at ang aktor na si Piolo Pascual na pinarangalan din para sa kanyang pagganap sa pelikulang Mallari.
Ang Rewind ay ang kasalukuyang highest grossing Filipino film matapos nitong umabot sa mahigit PhP 900 million sa box office.
Katambal dito ni Dingdong ang kanyang asawang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Kuwento ito ng mag-asawang lumalamlam ang relasyon pero mabibigyan ng pagkakataong magsimula muli matapos ang isang trahedya.
Mula ito sa direksiyon ni Mae Czarina Cruz at isa sa mga pelikula sa Metro Manila Film Festival nitong 2023.