
Walang hanggang pasasalamat!
Ganito ang saloobin ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, matapos umabot na sa Php 889 million ang box-office sales ng comeback movie nila ni Dingdong Dantes na Rewind.
Sa katunayan, ang naturang Metro Manila Film Festival entry ang itinuturing na highest grossing Filipino film of all time sa Pilipinas.
Sa post ni Marian sa Instagram Story, nagpaabot uli ng thank you ang award-winning actress sa matinding suporta ng fans para sa pelikula.
Bukod sa success ng Rewind, bonggang-bongga rin ang comeback sa primetime weekend ng DongYan, matapos magtala ng mataas na TV ratings ang Jose and Maria's Bonggang Villa 2.0 sa grand opening nito noong January 20.
Mas lalo pang titindi ang saya at kulitan sa patok na Kapuso sitcom, dahil ngayong gabi makikilala na natin ang bagong karakter na si Tiffany na gagampanan ng Sparkle comedienne na si Pokwang.
RELATED CONTENT: CAREER HIGHLIGHTS OF MARIAN RIVERA