
Ikinuwento ng award-winning actor at director na si Carlos Siguion-Reyna ang kanyang naging experience bilang isa sa mga kinaiinasang character sa Apoy sa Langit.
Si Direk Carlos ay napapanood sa tinututukang GMA Afternoon Prime drama bilang si Edong. Si Edong ay ang tiyuhin ni Cesar (Zoren Legaspi) na kasabwat niya sa ilang masasamang gawain.
PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit
Sa ginanap na media conference ng Apoy sa Langit nitong August 22, ikinuwento ni Direk Carlos ang kanyang naging experience sa paggawa ng ilang mga action scenes sa programa.
Ayon sa kilalang aktor at direktor, nakakapanibago gawin ito.
"Nanibago pero I enjoyed it and it also actually helped the internal action, the expression" pag-amin ni Direk Carlos.
Ilan sa mga action scenes ni Direk Carlos ay ang kanilang pag-aaway ni Cesar, at ang pagbugbog niya sa kasabwat nila sa panloloob nila kina Gemma (Maricel Laxa).
Ayon kay Direk Carlos, may mga natutunan siya sa paggawa niya sa ilang mga eksenang ito sa Apoy sa Langit.
Saad niya, "One thing I learned in those action scenes, I've done physical before but on this scale, may sakalan. Sinasakal si Zoren, tapos sinusuntok, pinapatay 'yung sa isang flashback 'yung isa naming kasabwat sa robbery.
"What helped me is forget the physicality and just maintain the intention, the emotion, the internal action, and that's how we pull it all together."
Para kay Direk Carlos, importanteng makinig sa stunt instructor para masiguro ang kanilang kaligtasan. Ito ang isa sa kanyang ginawang stunts sa Apoy sa Langit.
"I really am very grateful also doon sa support and 'yung the way out stunt instructor si Monching Baldomaro, was really helpful in telling me how to do things kasi yung mga physical na 'yun... you also have to know how to do it properly para it's safe for you and for everybody else."
Bukod sa mga naunang nabanggit na eksena, may ikinuwento rin si Direk Carlos na eksena nila nina Stella (Lianne Valentin) at Patring (Coleen Paz) sa Apoy sa Langit. Ayon kay Direk, dapat itong abangan ng mga manonood.
"Meron kami ni Lianne I think hindi pa yata napapalabas 'yun but there's a major violent scene between me and Lianne and si Patring," saad niya.
Patuloy na tumutok sa huling dalawang Linggo ng Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.
NARITO ANG ILAN PANG MGA MAHUHUSAY NA MGA AKTOR SA APOY SA LANGIT: