
Minarapat na ipaalam ng Palanca award-winning screenwriter at director na si Chris Martinez sa publiko na may taong gumagamit ng kanyang pangalan sa Facebook na walang pahintulot.
Sa Instagram post ni Direk Chris, sinabi nito na ang kanyang Facebook account ay para lamang sa close friends at family niya.
Saad niya, “Whoever you are, you have been warned. #poser #alert
“BE CAREFUL. My FB is for close friends and family only. I do not have a public FB page.”
Samantala, mukhang exciting ang magiging episode ng high-rating sitcom na Daddy's Gurl sa unang Sabado ng Marso.
Sa video na inupload ni Chris Martinez, may pasilip siya sa mystery guest nila sa March 6 na birthday episode ng karakter ni Maine Mendoza na si Stacy o Visitacion.
Kaya mga Kapuso, huwag palagpasin ang exciting episodes ng Daddy's Gurl tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).
Heto at kilalanin ang ibang celebrities na tulad ni Direk Chris ay nag-report ng kani-kanilang fake social media accounts sa publiko sa gallery below.
Related content:
Direk Chris Martinez, ipinasilip ang fresh episode ng 'Daddy's Gurl'
READ: Director Chris Martinez, humihiling ng milagro para maisalba ang local movie industry