GMA Logo Daddys Gurl stars
What's on TV

Direk Chris Martinez, taos-puso ang pasasalamat sa viewers na tumatangkilik sa 'Daddy's Gurl' sa loob ng tatlong taon

By Aedrianne Acar
Published October 21, 2021 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Legendary fashion designer Valentino Garavani passes away
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Daddys Gurl stars


Anu-ano ang mga bagong pasabog ng 'Daddy's Gurl' sa kanilang 3rd anniversary?

Sa kabi-kabilang tagumpay na natanggap ng sitcom ng award-winning screenwriter at director na si Chris Martinez, hindi nito nakalimutang pasalamatan ang mga tao na linggo-linggo nanonood ng high-rating sitcom nila sa Daddy's Gurl.

Nag-post ng groufie si Direk Chris kasama sina Bossing Vic Sotto, Phenomenal star Maine Mendoza, Oyo Sotto, Wally Bayola, GMA First Vice President for Program Management Department Jose Mari R. Abacan at iba pang cast ng show na kuha sa idinaos na virtual media conference last October 19.

Sabi ni Direk sa kanyang Instagram post, “It was great to be speaking to the press again. Kahit virtual lang. Thank you to all the press people who joined us. Thank you, GMA and M-Zet, for all the support! Our show is now on Year 3! #DaddysGurl #MediaCon AND THANK YOU TO ALL OUR VIEWERS!”

A post shared by ᑕᕼᖇIᔕ ᗪ. ᗰᗩᖇTIᑎEᘔ (@direk_chris_martinez)

Samantala, sa panayam naman niya sa GMANetwork.com, nagpaabot din ng thank you si Direk Chris Martinez sa production staff niya na nagtiwala na kaya nilang ituloy ang Kapuso sitcom sa kabila ng mga pagbabago dulot ng pandemya.

Napangiti si Direk at sinabi, “Siguro pasensya na kung sa Viber group kahit alas-tres ng madaling araw nagme-message ako kung may gusto ako mangyari [laughs].”

Pagpapatuloy niya, “Meron akong mga notes at saka meron ako pinapadalang mga peg. Kasi minsan kahit madaling araw kinakausap ko sila- 24 hours service po ang production ng Daddy's Gurl.

“Maraming salamat na nagtiwala sila sa bagong proseso na nagtiwala sila sa mga gusto ko mangyari. Hindi lang sa production, kundi pati mga artista. Kasi iba e, bago 'di ba, so 'yun ang unang-una na hiningi ko sa kanila 'yung trust. Trust that we can do this na maitatawid natin ito.”

Bubuhos ang katatawanan sa October 23 episode ng Daddy's Gurl, lalo na't makakasama natin tuwing Sabado ng gabi sina Prince Clemente, Prince Carlos, Jem Manicad at Carlo San Juan!

Bawal umabsent mga bes at manood ng Daddy's Gurl pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).

Get to know more about the Kapuso hotties Prince and Carlo in the galleries below.