
Marami ang natuwa nang batiin ng orihinal na Sang'gre Alena na si Karylle si Gabbi Garcia nang mag-guest ito sa It's Showtime kahapon, July 1, kabilang na rito ang direktor ng dalawang Encantadia series na si Mark Reyes.
Hindi nakadalo si Karylle sa pasabog na opening ng It's Showtime ngayong napapanood na rin sila sa GTV, isa sa free-to-air channels ng GMA Network.
"Avisala, @gabbi! Ikaw na muna ang bahalang magbukas ng pinto sa GTV “Asnamon voya nazar”" sulat ni Karylle sa kanyang Twitter account bago umere ang It's Showtime.
Ang ibig sabihin ng 'Asnamon voya nazar' ay "I'm a traveler, Asnamon tree. Take me to the world of Encantadia/of mortals." Sinasabi ito sa harap ng Asnamon Tree, ang portal mula mundo ng Encantadia papuntang mundo ng mga tao.
Avisala, @gabbi! 💚 ikaw na muna ang bahalang magbukas ng pinto sa GTV 🌳 🚪 “Asnamon voya nazar” #GnaGsaShowtime https://t.co/9CwjEzpPQk
-- karylle (@anakarylle) July 1, 2023
Matapos ang pagbating ito ni Karylle, nagpahayag si Direk Mark Reyes sa kanyang Instagram account na game siyang gumawa ng 'multiverse' ng Encantadia.
Aniya, "Shall we make the “Enca Multi-Verse” happen? Are you game @anakarylle @gabbi @kylienicolepadilla @missizacalzado @glaizaredux @m_sunshinedizon @sanyalopez @dianazubirismith?"
Marami namang artista ang sumang-ayon kay Direk Mark at nagpahayag na gusto nilang gawin ang multiverse ng Encantadia.
Sulat ni Yasmien Kurdi, na gumanap bilang Lira sa unang Encantadia noong 2015, "Ehem direk ehem 😋 masaya yan."
Ang unang Encantadia ay ipinalabas noong 2005 na pinagbidahan nina Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri, at Sunshine Dizon bilang ang apat na Sang'gre na sina Amihan, Alena, Danaya, at Pirena.
Sinundan ito ng requel na Encantadia noong 2016 kung saan itinampok sina Kylie Padilla, Gabbi, Sanya Lopez, at Glaiza De Castro bilang ang mga Sang'gre.
Abangan ang pagpapatuloy ng kuwento ng Encantadia sa Sang'gre, malapit na sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, TINGNAN ANG KUNG SAAN NA NGAYON ANG CAST NG ENCANTADIA NOONG 2016 DITO: