GMA Logo Direk Sigrid Andrea Bernardo
What's Hot

Direk Sigrid Andrea Bernardo, excited para sa next episode ng 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published July 17, 2020 4:39 PM PHT
Updated July 17, 2020 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Direk Sigrid Andrea Bernardo


Sino kaya ang masuwerteng matutupad ang wish sa second episode ng 'Wish Ko Lang' na ididirek ng box office director na si Direk Sigrid Andrea? Alamin DITO:

Marami ang naantig sa kuwento ng wonder nanay na si Joan Diviva na itinampok sa comeback episode ng 'Wish Ko Lang'. Ang nasabing episode ay dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo, direktor ng highest-grossing Filipino indie film na 'Kita Kita'.

Sa kanyang interview para sa 24 Oras, ibinahagi ni Direk Sigrid kay Lhar Santiago kung ano ang pinaka nagustuhan niya sa kanyang first experience ng pagdidirek para sa 'Wish Ko Lang'.

“Very interesting yung case studies na prine-present (sa Wish Ko Lang) and I'm very excited to direct. Nakakabitin nga kasi konti lang yung re-enactment.

“Minsan gusto mo nang gawing short film 'to, kaya lang siyempre yung case studies ang bida.”

Ayon sa head writer ng 'Wish Ko Lang' na si Erwin Caezar Bravo, si Direk Sigrid daw talaga ang perfect choice na mag-direk ng kanilang comeback episode.

“Direk Sigrid is a fantastic storyteller. Her extensive film writing and directorial experience helped us reinvent 'Wish Ko Lang' for our TV Viewers in the current pandemic era.”

Kaya naman hindi rin nakakapagtaka na si Direk Sigrid ulit ang napusuang mag-direk ng second episode ng bagong 'Wish Ko Lang'.

Ayon kay Direk Sigrid, excited na siyang mapanood ng mga Kapuso ang susunod na kuwentong tampok sa 'Wish Ko Lang'.

“Excited ako sa next episode. Kung kanina (first episode) yung nanay ang tumulong para sa pamilya, ito naman yung anak ang nag-effort para tumulong sa kanyang nanay at tatay.”

Ang batang breadwinner na si Manny

Ang episode ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado ay tungkol sa batang breadwinner na si Manny ng North Caloocan, na doble kayod ngayong panahon ng pandemya para sa kanyang ama na may kapansanan at inang may sakit.

Abangan 'yan at ang katuparan ng huling hiling ng komedyanteng si Kim Idol para sa kanyang ina ngayong Sabado sa 'Wish Ko Lang', alas-kwatro ng hapon sa GMA-7.

Manood ng 'Wish Ko Lang' at manalo ng gadgets at GMA Affrodabox!

Spread good vibes and hope this pandemic with 'Wish Ko Lang' Viber stickers