
Umpisa pa lang ng linggo ay may pasilip na naman ang pambansang comedy show na Bubble Gang sa kanilang 'boombastic' surprise this Sunday, May 17.
Sa isang 14-second teaser video na in-upload sa Bubble Gang social media pages, inaanyayahan ng Kapuso comedy show ang lahat na abangan ang pagbabalik ni DJ Boom Buy (Michael V.).
Naunang ikinuwento ni Paolo Contis sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com last week ang ilang detalye sa big comeback na mangyayari sa gag show.
Lahad niya, “Alam mo, si Direk Bitoy, I think itong DJ Boom Buy, dati na niyang character 'to and it's a character na marami nagsabi na hindi na puwede gawin because sa panahon ngayon.
“Marami nang nagka-cancel, marami nang nagpupuna. You know naman Bitoy, he would push the limits.”
Para sa updates at more exclusive content sa Bubble Gang, visit GMANetwork.com!
RELATED CONTENT: Michael V.'s viral parody songs that you need to listen to