
Mga Batang Bubble at certified Gen Zs, siguradong magugustuhan n'yo ang comeback ng isa sa mga beloved character ni Michael V. sa Bubble Gang.
Naunang kinumpirma ng multi-awarded comedian at content creator na mapapanood uli sa pambansang comedy show si DJ Boom Buy.
At ngayon, may 'Gen-Z twist' na ang mga binebenta niyang produkto.
Kuwento ni Direk Bitoy sa 24 Oras, “'Yung mga products, medyo pang-Gen Z na. So, most of the products na ginagamit ng mga Gen-Z ngayon meron siyang version niya. So, abangan n'yo dahil ano siya very innovative 'tsaka murang-mura lang.”
Source: GMANetwork.com & 24 Oras
Mapapakinggan din ang bagong music from Dj Boom Buy matapos ipalabas sa Bubble Gang ngayong May 17 sa iba't ibang streaming at music platform.
Pagbibida ni Michael V., “Dahil kung 'yung original na DJ Boom Buy e nagustuhan n'yo sa Spotify, at sa iTunes, at sa iba pang streaming platforms, itong DJ Boom Buy antayin n'yo dahil lalabas din ito at mapapakinggan n'yo na rin.”
Ano-ano kaya ang pwedeng i-mine sa live selling ni DJ Boom Buy? Abangan yan sa Bubble Gang sa darating na Linggo, (May 17) pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: Michael V.'s best characters on 'Bubble Gang'